cheering.
Saturday, October 31, 2009
whew. it's been a long time again. from now on, i'll post every month na lang in my blog. busy ren kasi ang sched e. WHEW angaming programs sa school. culmination ng month of holy rosary, opening of sportsfest, cheering, and exams pa. we were all stressed, haggard, at problemado. masyadong maraming nangyari ngayong month. nagsipatungan ang mga problema ng isa't-isa. pati na ren ako. andami naming away ni mama. supeeer. uuuh. 2 lang pala yun HAHA. pero matindi talaga. pero after ng pangalawa na, she got better na. hindi na siya yung O.A. and nakakaintindi na ren siya. nakakatuwa nga kasi pag-uwi ko sa bahay nang 9:30 ng gabi, nagfafarmville lang yan. hindi namamalayan na nakauwi na pala ako. haha! thanks to farmville! may pinagkakaadikan na nanay ko :))
CHANGE TOPIC: kaninang umaga lang kami nagperform ng cheering namin. daaaamn. grabe muntik na akong hindi makaperform! akala ko kasi walang pasok kasi nagdeclare na walang pasok ang metro manila. then it was 9:30 in the morning, i was online on facebook. napansin ko, bakit walang mga cavinians na nakaonline. wala namang pasok e. (i thought) then i called at reji's, sabi ng dad nya, may pasok daw! MY GAAAHD. dali dali akong naligo kasi 9:30 ang cheering! first pa man din kaming magpeperform. pero sa awa ng diyos, nakahabol pa ako. wala lang makeup at nakaponytail lang. naiiba. haha! walang thrill ang cheering. di ko ren feel. wala masyadong nanuod. haaay. yang cheering na yan. andaming pasakit nyan. 3 weeks kaming nagpractice gabi-gabi. sobrang nakakapagod. marami ring mga awayan, at kung anu-anong issues ang nangyari sa batch namin. anyway, alam kong makakalimutan ren yan :)